^

Metro

Konsehal na nagmura, nanigaw ng frontliners, nagsori

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humingi na ng dispensa si Pasay City Councilor Arnel Regino Arceo sa mga ‘medical frontliners’ na kaniyang pinagsisigawan makaraang uminit ang ulo nang makitang isinasagawa ang COVID-19 rapid testing sa session hall ng Sangguniang Panglungsod.

Ayon kay Arceo, ang kaniyang pagrereklamo na ni-record niya mismo sa kaniyang cellphone, ay eks­presyon umano ng labis niyang pagka­bigla , takot sa virus at sa anumang posibilidad ng pagsalin o paghawa nito hindi lang sa sinumang miyembro ng Konseho o kanilang mga staff kundi pati rin sa sinumang kawani ng City Hall.

Inamin ng mga health workers na naapektuhan sila “emotionally at psychologically” ng naturang pangyayari ngunit kinalaunan ay tinanggap din ang pag­hingi ng paumanhin ng konsehal.

Isinagawa ang pag­hingi ng paumahin sa isang ‘closed-door meeting’ sa pagitan nina Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, Arceo at mga healthworkers.  Nauna rito, personal na kina­usap ni Calixto-Rubiano si Arceo at binigyan ng payo upang mas mapabuti ng konsehal ang kaniyang pagiging ‘public servant’ at magkaroon ng pagkakaisa laban sa COVID-19.

Dahil dito, inilipat na lamang ang pagsasagawa ng rapid mass testing sa Pasay City Sports Complex upang mapawi ang pangamba ni Arceo na mahawa ang mga konsehal at mga tauhan ng City Hall.

vuukle comment

PASAY CITY COUNCILOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with