^
Water level sa mga dam, tumaas dahil kay âAmboâ
Sa latest dam monitoring ng PAGASA alas- 6 ng umaga kahapon, ang water level ng Angat dam ay tumaas at umabot sa 190.67 meters mula sa dating 190.62 meters, La Mesa dam - 76.21 meters ang water level mula sa da­ting 76.18 meters.
Ernie Peñaredondo/FIle

Water level sa mga dam, tumaas dahil kay ‘Ambo’

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatulong ng malaki ang dalang ulan ng bagyong si  Ambo para tumaas ang water level sa ibat- ibang dam sa bansa partikular sa Angat na nagsusuplay ng  tubig sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Sa latest dam monitoring ng PAGASA alas- 6 ng umaga kahapon, ang water level ng Angat dam ay tumaas at  umabot sa 190.67 meters mula sa dating 190.62 meters, La Mesa dam - 76.21 meters ang water level mula sa da­ting 76.18 meters.

Tumaas din ang water level sa Ambuklao dam kahapon ng alas-6 ng umaga na umabot sa 742.98 meters mula sa dating 742.94 meters, Pantabangan Dam -185.78 meters mula sa dating 185.32 meters, Magat Dam-175.10 meters mula sa dating 174.10 meters at Caliraya dam-288.10 meters na water level  mula sa dating 287.17 meters.

Dahil sa pagtaas ng water level sa naturang mga dam partikular sa Angat  ay patuloy naman ang sapat na suplay ng tubig sa Kalakhang Maynila at karatig lalawigan na sinusuplayan ng dalawang water concessionaires na Maynilad Water at Manila Water.

Noong nagdaang panahon ng tag-init, maraming taga Metro Manila ang nakaranas ng daily water service interruptions  dahil sa bumababang water level sa Angat dam.

Ang ibang mga dam ay taga- suplay ng tubig sa mga irigasyon sa Palayan.

 

ANGAT DAM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with