Liquor ban sa Pasay binawi na

MANILA, Philippines — Maaari nang magbenta, magdistribute at bumili ng anumang uri ng alak sa hurisdiksiyon ng Pasay City simula kahapon.

Ito’y matapos amyendahan ang  Section 2 ng City Ordinance 2020-6099  na bumabawi sa liquor ban sa lungsod, isang araw bago pa ang pagtatapos ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon sa binagong ordinansa, may pangangailangan para luwagan ang pagbebenta, pagbili at distribusyon ng alak at iba pang alcoholic drinks habang ipinatutupad pa ang  enhanced community quarantine sa National Capital Region para sa ekonomiya, upang matulungan ang retailers at iba pang maliliit na negosyo sa lungsod at madagdagan ang kanilang benta o kita sa gitna ng pandemya at upang hindi naman mapagkaitan ang mga constituents ng kanilang pagnanais na bumili at uminom ng alak na makakatulong sa pagharap sa kanilang anxieties, basta hindi lamang lalabagin ang umiiral na physical distan­cing at hindi gagawin sa pampublikong lugar.

Show comments