Sa virtual press briefing kahapon ni Sinas, nilinaw niya na ang lahat ng mga istasyon at police community precinct sa NCR ay nagpapatupad ng quarantine laban sa COVID-19 simula pa noong nakalipas na linggo. x
Sa virtual press briefing kahapon ni Sinas, nilinaw niya na ang lahat ng mga istasyon at police community precinct sa NCR ay nagpapatupad ng quarantine laban sa COVID-19 simula pa noong nakalipas na linggo. Boy Santos/FIle
Mga inaaresto sa Metro Manila, ‘di ihahalo sa mga lumang detainees
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2020 - 12:00am

Para iwas hawa sa COVID

MANILA, Philippines — Tiniyak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Major General Debold Sinas na nagpapatupad din sila ng precautionary measure sa detention facilities para hindi magkaroon ng hawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sakaling mayroon ang mga inaaresto.

Sa virtual press briefing kahapon ni Sinas, nilinaw niya na ang lahat ng mga istasyon at police community precinct sa NCR ay nagpapatupad ng quarantine laban sa COVID-19 simula pa noong nakalipas na linggo.

Paglilinaw niya, kung sa isang police district ay may nadakip na bagong violators ay ilalagay sila sa detention facility na wala pang nakakulong at doon pagsasama-samahin ang mga bagong nahuhuli sa magkakaparehong panahon.

“Halimbawa may naaresto sa isang PCP 1, hindi mo siya dun makikitang nakakulong kasi sa ibang PCP siya dadalhin para maingatan ang mga dating nakakulong na na dumaan na sa ilang araw na quarantine at hindi na mahaluan ng mga bago na kailangan ding ma-quarantine muna, kaya kung may dati nang nakakulong ay ililipat ito para walang matira na makakahalo sa bagong mga naaresto” paliwanag ni Sinas.

Samantala, sa kaso ng namatay na person under police custody (PUPC) sa Taguig Police Station noong Marso 31, 2020 na si Ramil Rubio Maltezo, tiniyak niya na hindi COVID-19 ang sanhi kungdi impeksiyon sa pigsa o Septicemmia.

Ang lahat umano ng nakapiit na nakasama ni Maltezo ay nagkahawaan at pawang may mga pigsa rin kaya pinadalhan na sila ng antibiotic.

METRO MANILA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with