4 dakma sa P3.4 milyon droga
MANILA, Philippines — Apat miyembro ng drug syndicate ang nalambat sa P3.4 milyong halaga ng ilegal na droga sa isinagawang joint buy-bust operation ng Manila Police District (MPD) at Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office-National Capital Region sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga suspek na sina Zukra Omar (babae), 30; Khalid S Guiabal, 33 ; Elaine Balayanan , 27 at Azziya Abas, 28.
Sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng MPD-Station 5, dakong alas- 10: 45 ng gabi noong Biyernes nang arestuhin ang mga suspek sa T.M Kalaw St., malapit sa panulukan ng Jorge Bocobo St., Emita, Manila.
Nagpanggap ang isang operatiba na buyer at nang makabili ng shabu ay sinalakay na ang mga suspek na sakay ng Toyota Vios na kulay orange .
Nasamsam sa kanila ang green na paper bag, isang gunting, isang Chinese tea bag na may tatak na “GUANYINWANG”na may nakasulat na Chinese character, buy –bust money, 2 cellphone, at 10 sachet ng shabu.
Isinailalim sila sa inquest proceedings sa paglabag sa Section 5 (Selling, Distribution and Transportation of Dangerous Drug), Section 11 (illegal Possession of Dangerous Drug) at Section 26 (b) ‘in relation to Section 5 Article Il of RA 9165’ o Dangerous Drug Act of 2002.
- Latest