Ito ay makaraang papurihan ni Belmonte ang pamunuan ng QC police dahil sa walang humpay na kampanya laban sa mga spa at massage parlors na may extra service sa customers.
Boy Santos/ File
Massage parlors na may extra service, wakasan na - Mayor Belmonte
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2020 - 12:00am

QUEZON CITY, Philippines — Naniniwala si Quezon City Mayor Joy Belmonte na mawawakasan na ang modus operandi ng mga massage parlors sa lungsod na nagkakaloob ng extra service sa mga kliyente nito.

Ito ay makaraang papurihan ni Belmonte ang pamunuan ng QC police dahil sa walang humpay na kampanya  laban  sa mga spa at massage parlors na may extra service sa customers.

“We thank the QCPD for its untiring and relentless campaign to get rid our city of illicit massage parlors sa  tulong ng ating kapulisan, tiwala ako na matutuldukan na ang ganitong ilegal na operasyon sa lalong madaling panahon,” pahayag ni Belmonte.

Partikular na ikinatuwa ni Belmonte ang pagkasagip at pagpapasara ng QC Police Station 11 Galas sa Intensecity Spa sa E Rodriguez na nagsisilbing front ng prostitusyon.

Dito ay  3 babae at 3 therapist at isang babaeng receptio­nist at 3 lalaking tauhan ang nairescue ng naturang mga pulis noong February 16.

Nakasuhan na sa QC court ang registered owner ng establisimiento at nailagak naman sa SSDD ang mga kababaihang therapists.

Noong Valentines day, naipasara rin ang  Inflorscense Spa sa Roosevelt Avenue sa Brgy. San Antonio matapos mapatunayang nagbibigay ng extra service ang mga tauhan nito.

Siyam na  female massage therapists  ang na-rescue rito at nakasuhan na ng paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2002 ang may ari nito.

JOY BELMONTE QCPD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with