^

Metro

5 kabataan na sumunog sa lobo ng vendor, sumuko

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sumuko kahapon ang lima sa pitong suspek na sangkot sa pagsunog sa tinitindang lobo ng isang 28-anyos na vendor na kanyang ikinasugat noong Pebrero 12 sa Pandacan, Maynila.

Kasama ang kanilang mga magulang, humarap kay Manila Mayor Isko Moreno ang limang kabataang suspek habang dalawa pa ang pinaghahanap.

Ang mga ito ay pawang miyembro ng ‘True Life Gangsta’ na may paso sa palasinsingan at mga out-of-school youth.

Nag-viral ang video nang panununog ng mga suspek sa tinitindang lobo ni Oliver Rosales sa Pandancan, Maynila. Nagtamo ng 2nd degree burn si Rosales.

Susuriin muna ng Manila Department of Social Welfare kung dapat nang ilipat ang apat na menor-de-edad sa Manila Youth Rehabilitation Center.

‘Yang joke, joke, joke niyo, maaari pala tayong makapaminsala... Gusto ko nga ‘pahawak din sa kanila ‘yung lobo, pero labag sa batas iyon,” ani Moreno .

Bagamat nakakapanggigil umano ang ginawa ng mga suspek, sinabi ni Moreno na kailangan pa ring dumaan ang mga ito sa due process.

Isa sa mga menor-de-edad ang nagsisisi dahil hindi umano nila inakala na may masasaktan.

Sinermunan din ni Moreno ang mga magulang ng mga suspek dahil sa kapabayaan ng mga ito at nasasama sa maling barkada.

vuukle comment

TRUE LIFE GANGSTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with