Kinilala ang mga nasawi na sina Ninjie Zhang, 42, ng Bagong Silang, Caloocan City; isang alyas Kauyu, at ang Pinoy na kinilala lamang sa alyas Noel, residente ng Cavite.
STAR/File
Taguig ambush: 2 Chinese, Pinoy patay
(Pilipino Star Ngayon) - January 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang Chinese national at isang Pinoy makaraang tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin habang sakay ng isang kotse, kahapon ng hapon sa Taguig City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ninjie Zhang, 42, ng Bagong Silang, Caloocan City; isang alyas Kauyu, at ang Pinoy na kinilala lamang sa alyas Noel,   residente ng Cavite.

Kritikal naman sa Taguig-Pateros District Hospital ang dalawa pang biktima na sina Crystal Sang, limang taong gulang at Hazel Sang, 12-taong gulang .

Sa paunang ulat ng Taguig City Police, alas-2:30 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa tapat ng gusali ng Department of Science and Technology sa may Gen. Santos Avenue sa Brgy. Upper Bicutan, ng naturang lungsod.

Sakay ang limang biktima ng isang itim na Toyota Vios sedan nang harangin sila ng apat na armadong lalaki at paulanan ng bala ang sasakyan. Mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng hindi pa mabatid na uri ng behikulo.

Agad na rumes­ponde naman ang mga tauhan ng pulisya sa lugar at naisugod ang mga biktima sa nabanggit na pagamutan. 

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen habang patuloy pa rin ang masusing imbestigasyon sa insidente habang ikinasa na ang follow-up ope­rations para matukoy at madakip ang mga salarin.

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with