Sa ulat, alas-11 ng gabi nang salakayin ng mga tauhan ng Makati City Police Station Investigation and Detective Management Section, Intelligence Unit at Women and Children’s Desk ang Feelmore Ihaw Ihaw Atbp Bar and Restaurant na nasa Filmore Street, Brgy. Palanan, ng naturang lungsod.
STAR/File
Bar ‘front’ ng prostitution den, ni-raid
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aabot sa 31 kababaihan  ang nasagip ng mga tauhan ng Makati City Police sa ginawang pagsalakay sa isang bar na ginawang prostitution den kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Sa ulat, alas-11 ng gabi nang salakayin ng mga tauhan ng Makati City Police Station Investigation and Detective Management Section, Intelligence Unit at Women and Children’s Desk ang Feelmore Ihaw Ihaw Atbp Bar and Restaurant na nasa Filmore Street, Brgy. Palanan, ng naturang lungsod.

Ayon kay Makati City Police chief, Col. Rogelio Simon, ilang linggo na silang nakakatanggap ng impormasyon sa ipinalalabas na ‘bold show’ sa naturang bar at maaari ring mailabas ang mga babae kapalit ng babayaran sa bar ng kustomer.

Inabutan ng mga opera­tiba ang ilang babae na nagsasayaw ng hubo’t hubad habang naka-table sa mga kustomer ang iba pa.

May 15 empleyado ng bar ang inaresto at nakatakdang sampahan ng kaso ng pulisya.

Nabatid din na walang ‘business permit’ ang natu­rang bar na lantarang paglabag sa ordinansa ng Pamahalaang Lungsod ng Makati kaya makikipag-ugnayan ang pulisya sa Makati Business Processing and Licensing Office (BPLO) para ito ay maipasara.

 

PROSTITUTION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with