^

Matinding trapik sa Roxas Boulevard, asahan

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2020 - 12:00am

Sa gagawing paglilipat ng mga poste ng kuryente

MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa posibleng mabigat na daloy ng trapiko sa bahagi ng Roxas Boulevard sa Parañaque City dahil sa paglilipat ng mga poste ng kuryente para bigyang-daan ang patuloy na konstruksyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 Cavite Extension Project.

Isang relocation plan na ang nabuo sa isinagawang pulong sa pagitan ng MMDA, mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at Manila Electric Company nitong nakaraang Huwebes para mabawasan ang posibleng epekto sa trapiko.

Sa ilalim ng plano, may 70 araw na inilaan para sa paglilipat ng mga poste ng kuryente na nasa Roxas Boulevard sa pagitan ng Redemptorist Road at Bradco Avenue.

Hiniling ng pribadong kontraktor ng DOTr sa MMDA na payagan silang sakupin ang isa hanggang dalawang lanes ng Roxas Blvd. para sa kanilang working area.

Ngunit kasalukuyang hindi pa binibigyan ng clearance ng MMDA ang relocation project hanggang wala pang matibay na ‘traffic management plan’ na nabubuo.

May habang 11.7 kilometro ang LRT Line 1 Cavite Extension Project na dudugtong sa LRT Line 1 system.  Babagtas ito mula Parañaque at Las Pinas City hanggang sa Bacoor sa lalawigan ng Cavite.

ROXAS BOULEVARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with