Manhunt sa 3 ‘bookies’ sa Quezon City, ikinasa
(Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2020 - 12:00am

QUEZON CITY, Philippines — Pinaghahanap na ngayon ang tatlong operator o ‘bangka’ ng ilegal na sugal sa Quezon City matapos ang pag-aresto sa kanilang mga tauhan ka­makailan.

Nanawagan ng tulong ang mga kaanak ng siyam na naarestong kubrador sa mga awtoridad upang tugisin ang tatlong kinilala nila na alyas “Tepang,” “Kit” at “Jessy Dadeo” na kanila umanong mga amo.

Ang tatlong bangka ang ‘di umano’y nagpapatakbo ng ilegal na sugal sa ilang barangay sa lungsod, ayon sa impormasyong nasagap ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Nabatid na inabandona ng mga bangka ang kanilang mga naarestong kabo na ngayo’y nakapiit pa rin sa Camp Karingal matapos maaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sila rin ay nasampahan na ng patung-patong na kasong kriminal sa Quezon City prose­cutor’s office.

Ang anti-illegal gambling operation ay ikinasa sa kautusan ni CIDG chief Brig. Gen. Joel Coronel sa hiling ni PCSO General Manager Royina Garma.

Ayon sa PCSO, ang sindikato ay nagpapatakbo ng bookies sa Quezon City gamit bilang front ang isang prangkisa ng small-town lottery sa katabing lungsod na Marikina.

Base sa report na nakaabot sa PCSO, kumikita ang sindikato ng humigit kumulang P9-milyon kada buwan mula sa illegal na sugal.

CIDG JESSY DADEO PCSO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with