Drug suspect tiklo sa P.6 milyong shabu
MANILA, Philippines — Arestado ang isang drug suspect matapos makumpiskahan ng halos higit P.6-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.
Ang nasakoteng suspek ay kinilalang si Joshua Albano, 20, ng Brgy. Baclaran, Parañaque City, nakapiit na at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen Ronnie Montejo, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang maaresto ang suspek sa isang buy-bust operation sa Quezon Avenue corner Kanlaon St. Brgy. Sta. Teresita.
Nauna rito, nakatanggap ng tip ang pulisya sa ilegal na aktibidad ng suspek kaya’t nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng La Loma Police Station (PS 1) laban sa suspek.
Kaagad namang inaresto ang suspek matapos na mahulihan ng shabu na may street value na P680,000.
- Latest