Ayon sa BOC, idineklara bilang "steel coil" ang mga kargamento ngunit kahapon lang napag-alaman ng customs examiner na Korach conditioned refined sugar pala ang laman nito. 
Released/Bureau of Customs PH
P4.4 milyong smuggled na asukal mula Tsina hinarang ng Customs
(Philstar.com) - November 14, 2019 - 3:46pm

MANILA, Philippines — Nasabat ng Bureau of Customs Port of Manila ang aabot sa milyun-milyong halaga ng ipinuslit na asukal mula Tsina nitong Miyerkules, na pare-parehong mali ang deklarasyon.

Ika-30 ng Agosto nang dumaong sa South Harbor ang walong container na naglalaman ng P4.4 milyong halaga ng produkto na consigned sa RZTREC Trading. 

Ayon sa BOC, idineklara bilang "steel coil" ang mga kargamento ngunit kahapon lang napag-alaman ng customs examiner na Korach conditioned refined sugar pala ang laman nito. 

Agad namang naglabas ang BOC-PM ng warrant of seizure and detention sa mga nasabing shipment dahil sa paglabag sa Section 1400 (Misdeclaration, Misclassification and Undervaluation in Goods Declaration) kaugnay ng Section 1113 (Property Subject to Seizure and Forfeiture) at Section 117 (Regulated Importation and Exportation) ng Customs Modernization and Tariff Act.

Nangyari ito ilang araw matapos tutulan ng Senado ang planong liberalisasyon ng industriya ng asukal

Ayon sa resolusyon, kokontrahin nito ang layunin ni Pangulong Rodrigo Duterte pagdating sa kasiguruhan sa pagkain at "lubhang makaaapekto sa buong sektor ng agrikultura."

"Ang pagpasok nang walang regulasyon ng subsidized sugar sa merkado ng Pilipinas ay magiging mapaminsala sa industriya ng asukal, na nag-aambag ng mahigit-kumulang P96 bilyon sa gross domestic product," sabi nila sa Inggles.

Halos lahat ng senador, maliban kay Sen. Lito Lapid, na nasa official business sa ibayong dagat, at Sen. Leila de Lima, na nakakulong, ang lumagda rito. — James Relativo

AGRICULTURE BUREAU OF CUSTOMS CHINA SMUGGLING SUGAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with