Ang pitong pinata­wan ng suspension ay ang RQG Emission Test Center sa Barangay Kaunlaran, Quezon City; Clearview Emission Testing Center sa Barangay Kaunlaran, Quezon City; Mjas Emission Testing Center sa Barangay Balon Bato, Quezon City; Nicole Emission Testing Center sa Calamba City, Laguna; Sigma Sure Emission Tes-ting Center sa Sigma, Capiz; Nadine Emission Testing Center sa Alaminos, Laguna; at Espino Automotive System sa Malasiqui, Pangasinan.
Michael Varcas/File
7 emission testing center, sinuspinde
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) ang pitong Private Emission Tes-ting Centers (PETCs) ma­tapos matuklasang namemeke ng emission test results.

Ang pitong pinata­wan ng suspension ay ang RQG Emission Test Center sa Barangay Kaunlaran, Quezon City; Clearview Emission Testing Center sa Barangay Kaunlaran, Quezon City; Mjas Emission Testing Center sa Barangay Balon Bato, Quezon City; Nicole Emission Testing Center sa Calamba City, Laguna; Sigma Sure Emission Tes-ting Center sa Sigma, Capiz; Nadine Emission Testing Center sa Alaminos, Laguna; at Espino Automotive System sa Malasiqui, Pangasinan.

Nabatid na epektibo ang suspensiyon sa loob ng 90-araw o tatlong buwan.

Pinadalhan na rin naman ng DOTr ng kop­ya ng suspension order ang mga naturang PETCs, gayundin ang kanilang Information Technology (IT) Service Provider.

Binalaan pa ng DOTr ang mga naturang IT Service Provider na itigil na ang pagpoproseso ng mga datos na ipinapadala sa kanila ng mga nasuspindeng kompan­ya upang hindi maharap sa kahalintulad na parusa.

EMISSION TESTING CENTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with