_ngayon
^

Metro

Sidewalk vendors sa Divisoria banned uli sa nagkalat, gabundok na basura

James Relativo - Philstar.com

MANILA, Philippines — Tuluyan nang pagbabawalan ang mga maninindang magtayo ng pwesto sa Ylaya St. sa Divisoria dahil sa diumano'y "pagpapabaya" sa kanilang basura.

Lunes ng 5:30 a.m., nagsagawa ng sorpresang inspeksyon si Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso sa lugar, dahilan para kanyang ikabanas nang husto.

Nadatnan kasi ng alkalde ang gabundok na kalat matapos niyang payagan ang pagbebenta ng ilang vendors sa lugar.

"Hindi ba kayo nahihiya dyan o talagang baboy din kayo sa bahay? Kailangan ko pa kayo sorpresahin? Pinaghahanapbuhay ko na nga kayo eh," sabi niya sa mga manininda.

Noong nakaraang linggo, naiulat na pinayagan ni Domagoso ang mga vendors na magbenta uli sa Divisoria kung 1x1 metro lang ang espasyong kanilang ookupahin.

Tanging sa Carmen Planas at Tabora streets at sa Ilaya street malapit sa Moriones sila sinasabing pinahintulutan.

"Wala, walang kusa," dagdag niya. "Kung ganyan lang din naman ang iiwan sa’tin araw-araw, tigil na silang lahat."

"Malulugmok talaga kayo. Binababoy nila eh. Hindi ko maintindihan, sa totoo lang. Binigyan mo ng hanapbuhay, nilingon mo... Wala pa rin."

Ipinagbabawal ng Section 4 ng Ordinance 8572, o "Tapat Ko, Linis Ko" ordinance ang pag-iiwan ng mga basura sa mga kanal, sidewalk, kalsada, eskinita atbp. lugar.

Sa Section 7 nito, sinasabing tanging babala lang ang maaaring ibigay sa mga first-time offenders, habang aabot naman sa P5,000 multa o pagkakakulong ng hanggang 30-araw ang parusa sa limang beses na masisita.

Isang clearing operations ang sumunod na nangyari sa Ilaya street sa Binondo kasunod ng paninita.

Noong Hulyo, una nang pinagbawalan ng mayor ang mga vendor Divisoria, Quiapo, Blumentritt, Lagusnilad Underpass at mga lugar malapit sa monumento ni Bonifacio upang mapagaan ang daloy ng trapiko.

Sa kabila nito, itinatanggi ng alkalde na kontra-mahirap ang kanyang ginagawa.

Pangingikil sa manininda, balik-eksena?

Samantala, ibinulgar naman ng actor-turned-politician sa kanilang flag-raising ceremony na nanumbalik na ang mga grupong iligal na naniningil ng pera sa mga manininda ngayaong Kapaskuhan.

Banta niya sa mga ito, na tinatawag niyang "organizer," isaoli na ang perang "in-advance" sa mga pobreng manininda.

"Mga abusado kayo. Mapanlinlang! Ang kaya niyong linlangin, mga maliliit na tao. Matiyempuhan ko lang kayo. Iba na. Maniwala kayo sa akin. Talagang hindi pala kayo makuha sa diplomasya," sabi pa ni Domagoso.

Ayon sa ulat ng News5, binanggit niya na aabot ng hanggang P15,000 kada vendor ang sinisingil ng mga extortionist kapalit ng magandang pwesto ngayong Christmas season.

Ang mga naturang tao ay talamak daw na naniningil noong panahon ng naunang administrasyon. — may mga ulat mula kay Rosette Adel,The STAR at News5

EXTORTION FRANCISCO DOMAGOSO ISKO MORENO MANILA VENDORS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with