^

Metro

Chinese, nobyang Pinay huli sa sex trafficking

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Chinese, nobyang Pinay huli sa sex trafficking
Kinilala ang mga dinakip na sina Mysa Dela Cruz, may-ari ng Rodmiles Wellnes Spa at karelasyon niyang si Yuwen Thao. Tatlong babae na itinago ang pagkaka­kilanlan at nagtatrabaho bilang massage therapist ngunit ibinibenta ng mga suspek ang nasagip ng mga pulis sa sinalakay na spa.
File

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isang Chinese at kasin­tahan niyang Pinay makaraang salakayin ng pulisya ang pag-aari nilang  spa na nag-aalok ng ‘sex service’, kahapon ng madaling araw sa Las Piñas City.

Kinilala ang mga dinakip  na sina Mysa Dela Cruz, may-ari ng Rodmiles Wellnes Spa at karelasyon niyang si Yuwen Thao. Tatlong babae na itinago ang pagkaka­kilanlan at nagtatrabaho bilang massage therapist ngunit ibinibenta ng mga suspek ang nasagip ng mga pulis sa sinalakay na spa.

Sa ulat ng Las Piñas City Police, alas-12:30 ng madaling araw nang magsagawa ng operas­yon ang mga pulis sa naturang spa na nasa BF Resort Village ng Brgy. Talon Dos. Ito ay makaraan ang ilang linggong surveillance buhat sa ulat ng iligal na operasyon ng naturang spa na ginagawang front ng prostitusyon.

Nakaditine ngayon sa Las Piñas City Police Detention Center ang dalawang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Human Trafficking Act sa Prose­cutor’s Office.

 

vuukle comment

SEX TRAFFICKING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with