2 traffic Enforcers binuhusan ng tubig ng hinuling Vietnamese
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 9, 2019 - 12:00am

Bumagsak sa Makati City Police Station ang isang babaeng Vietnamese makaraang magwala at sabuyan ng tubig ang dalawang traffic enforcer na humuhuli sa kanya sa isang traffic violation, kama­kalawa ng hapon sa Makati City.

Nahaharap ngayon sa mga kasong alarm and scandal, disobedience at assault of agent of person in authority ang suspek na si Yenha Thi Thuy, 30.

Sa ulat ng Makati City Police, alas-3:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa kanto ng Jupiter at Makati Avenue sa Brgy. Bel-Air.

Sakay ang suspek ng kanyang Ford Echo kotse (AXA 2941) nang parahin ng mga traffic enforcers na sina Richard Redulfin at Daniel Cha dahil sa traffic violation nang umandar kahit pula na ang traffic light.

Hindi naman makapagbigay ng driver’s license si Yenha dahilan para sabihan siya ng mga enforcers na mai-impound ang kanyang sasakyan.  Dito na nagwala ang dayuhang babae at sinabuyan pa ng tubig buhat sa bottled water ang mga enforcer.

Humingi ng tulong ang mga enforcer sa pulis na nasa lugar na nagresulta sa pag-aresto sa nagwawalang dayuhan.

 

DISOBEDIENCE FORD ECHO MAKATI CITY POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with