^

Metro

Motorsiklo sigurado: Limang dekada ng alagang Motortrade

Pilipino Star Ngayon
Motorsiklo sigurado: Limang dekada ng alagang Motortrade
Sa nakalipas na limampung taon, ang ay Motortrade ay mayroon nang mahigit na 4,000 na empleyado na nagkakaisa sa pagpapalago hindi lamang ng kumpanya kundi ng buong industriya na rin.
Photo Release

MANILA, Philippines — Ang Motortrade Nationwide Corp. (MNC), ang pinakamalaking multi-brand motorcycle dealer sa bansa, ay nagsimula ng operasyon noong 1960s sa Daet, Camarines Norte.

Noong mga panahong iyon, kakaunti pa lamang ang bumibili ng motor. Kaya sa halip na magkaroon ng eksklusibong tindahan, ang mga motor ay ibinebenta sa merkado kasabay ng iba pang mga kalakal kagaya ng mga gamit pangsaka at konstruksyon.

Pansariling sasakyan para sa lahat

Ang tinaguriang ama ng Motortrade—ang negostanteng si Vicente Ongtenco—ay nagsimulang magbenta ng Honda motors sa kanyang hardware shop sa pamamagitan ng consignment ng Mariwasa-Honda, ang opisyal na distributor sa Pilipinas noon.

Dahil karamihan sa mga mamimili ay karaniwang manggagawa at hindi kayang makabili nang isang bayaran, kinailangan nyang magbenta nang hulugan sa pamamagitan ng in-house financing o pagpapautang.

Sa kanyang pagpupursigi, napagtagumpayan nya ang kanyang hangarin at napalago ang kanyang negosyo. 

Sa nakalipas na 50 taon, lumawak ang presensya ng Motortrade hindi lamang sa Timog Luzon kundi pati na rin sa buong bansa. Photo Release

Pagtataguyod ng negosyo sa bansa

Sa nakalipas na 50 taon, lumawak ang presensya ng Motortrade hindi lamang sa Timog Luzon kundi pati na rin sa buong bansa.

Ngayon ay mayroon ng mahigit 500 na branches at maliliit na tindihan ang Motortrade sa buong bansa.

Sa Metro Manila lamang ay mayroon nang mahigit 100 na branches at patuloy pa din ang kumpanya sa pagpapalawak ng negosyo. Ang Motortrade ay nagpapatakbo rin ng dagdag na 200 branches sa Mindanao sa pamamagitan ng subsidiary, ang Motorjoy Depot Inc.

Maliban sa multi-brand dealerships, ang Motortrade ay mayroon ding mga branches na eksklusibong nagtitinda ng iisang brand lamang gaya ng Honda (Honda Prestige), Yamaha, Suzuki, KTM o Kawasaki.

Hindi lamang mga bagong motor at mga piyesa nito ang ibinibenta ng Motortrade, kundi pati mga segunda mano.

Nagbibigay din sila ng murang serbisyo sa kanilang mga mamimili, gaya ng pagkumpuni ng mga sirang motor; nagtuturo rin ito ng tamang paraan ng paggamit ng motor sa Learn To Ride Safely program. 

Alalay ng komunidad

Kahit abala sa pagpapalago at pagpapalakas ng kumpanya, hindi kinaliligtaan ng Motortrade ang corporate social responsibility.

Bilang pagbibigay-sukli sa mga masugid na mamimili, ang Motortrade ay nangunguna sa iba’t ibang humanitarian projects tulad ng Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation (MLALAF), isang organisasyong binuo upang makapagbigay ng feeding program, daily bible study, community outreach at scholarship sa layong masuportahan ang mga estudyante ng Global Reciprocal Colleges sa Caloocan.

Ang Motortrade ay nakikipagtulungan din sa iba pang charitable institutions upang makapagbigay-tulong sa mga nasalanta ng kalamidad.

Regular din ang pag-o-organisa ng tree-planting activities para sa kapakanan ng ating mga kabataan at sa kaayusan ng kapaligiran.

Paglago ng pamilyang Motortrade

Sa pamamagitan ng MNC bilang punong kumpanya, ang Motortrade ay nakapagtaguyod ng iba pang mga kumpanya gaya ng Motortrade Topline Inc., Honda Prestige Traders Inc., at iba pa, na lahat ngayo’y tumatamasa ng katatagan at pangunguna sa lokal industriya ng motorsiklo.

Ang MNC ay may mahigit na 4,000 na empleyado na nagkakaisa sa pagpapalago hindi lamang ng kumpanya kundi ng buong industriya na rin.

Bilang pagpapatotoo sa kanyang slogang “Motorsiklo sigurado, alaga ka dito,” ang Motortrade ay malugod na nagbibigay ng dekalidad na serbisyo sa layong makamtan ng lahat ang ligtas at maligayang pagmomotor. — Gilbert Chao

vuukle comment

MOTORTRADE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with