^

Metro

Dalagita ni-rape, 3 suspek arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa kalaboso ang bagsak ng tatlong lalaki kabilang ang isang binata na itinuturong gumahasa umano sa isang dalagita at ang dalawa pa na umano’y kasabwat nito nang gawin ang krimen nang lasingin nila ang biktima sa isang bahay sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap ngayon sa kasong panggagahasa at child abuse ang suspek na si Marc Jayson Basco, 21, estudyante, nakatira sa G. Marcelo St., Brgy. Maysan habang accessory sa krimen sina Raul Aniban, alyas “Ogard”, 31, binata, isang travel organizer, nakatira sa No. 75 De Galicia St., Brgy. Maysan at Jayson Galoso, 21, estudyante.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, alas-5:30 kahapon ng madaling araw nang ipaaresto ni Bienvenido Picardal Jr. ang tatlong suspek dahil sa panggagahasa sa kanyang dalagitang anak na itinago sa pangalang “Vina”.

Sa imbestigasyon, dakong alas-5:00 ng hapon kamakalawa nang magpunta ang biktima sa isang kaibigan na itinago sa pangalang “Donna” kung saan dito ay inaya ni Galoso ang dalawa sa bahay ni Aniban dahil may selebrasyon umano.

Gayong tumanggi ang dalagita na uminom ng alak ay napilit siya umano ng mga suspek kung saan dakong alas-9:00 ng gabi ay unang umuwi ang kaibigang si Donna.

Dakong alas-11:00 ng gabi nang malasing ang dalagita at dito ay dinala siya sa isang kuwarto ni Aniban makalipas ng ilang sandali ay pumasok si Basco at saka ginahasa ang biktima.

Ala-1:00 ng madaling araw nang ihatid ni Aniban ang dalagita sa kanyang bahay sakay ng isang tricycle.

Dito na ipinagtapat ng dalagita ang nangyari sa kanya sa mga magulang na agad na iniulat ito sa kanilang barangay at nagresulta sa pagkakadakip sa tatlo.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with