^

Metro

Binatilyo patay, ina sugatan sa ‘Akyat-bahay’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 15-anyos na binatilyo makaraang pagsasaksakin ng dalawang magnanakaw na nanloob sa kanilang bahay sa Malabon City, nitong Linggo ng mada­ling araw. Nakilala ang nasawi na si Christian Andrew Gonzales, na nagtamo ng maraming saksak sa katawan. 

Kritikal at nakaratay naman ngayon sa Chinese General Hospital ang kanyang ina na si Elizabeth Gonzales, 58, ng Azucena Street, Brgy. Longos, ng naturang lungsod.

Isa sa mga suspek ang nadakip ng mga pulis sa follow-up operation na kinilalang si Angelo James Dejados, 28, binata, kapitbahay ng mga biktima. 

Inaalam pa rin ang pagkakakilanlan sa tumakas niyang kasamahan.

Sa ulat ng Malabon City Police, naganap ang krimen dakong alas-4:30 ng mada­ling araw sa loob ng bahay ng pamilya Gonzales. Nabatid na tinungkab  ng dalawang suspects ang bintana ng bahay sa ikalawang palapag.

Habang nililimas ang mga gamit sa bahay, nagising sa kaluskos si Elizabeth at pinuntahan ang pinanggagalingan ng kaluskos kaya nadiskubre niya ang mga magnanakaw.  

Dito pinagsasaksak ng mga suspek si Elizabeth na tinangkang saklolohan ni Christian. 

Ang binatilyo naman ang pinagdiskitahan ng dalawa nang pagsasaksa­kin din saka nagsitakas.

Kahit sugatan, nagawa pa ring makalabas ng bahay ni Elizabeth at makahingi ng saklolo sa mga kapitbahay na siyang nagsugod sa kanya at sa anak sa pagamutan ngunit hindi na umabot ng buhay si Christian.

Agad na nagkasa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Police Community Precinct 3 at Station Reaction Unit na nagresulta sa pagkakadakip ni Dejados habang pinaghahanap ang kanyang kasabwat.

vuukle comment

AKYAT BAHAY

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with