5 timbog sa pagbebenta ng mga bala
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Timbog ng mga tauhan ng Caloocan City Police ang limang lalaki kabilang ang isang inhinyero na sangkot sa pagsusuplay ng bala sa mga elementong kriminal sa ikinasang entrapment operation, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga nadakip na sina Crispin Vizma­nos, 59, Civil Engineer; George Morales, 44, vendor; Rannie Valverde, 36; Edwin Espera, 41; at Karen John Montalban, 34.

Sa ulat ng pulisya, alas-8 ng gabi nang ikasa ang operasyon sa may Interior 10 A. Mabini Street, Brgy. 33, Maypajo. Isang tauhan ng pulisya ang  nakipagkasundo sa mga suspek na bumili ng bala ng kalibre .45 baril at nagkasundo na magkikita sa nabanggit na lugar.

Matagumpay na nakabili ang poseur buyer ng 20 piraso ng bala para sa kalibre .45 baril kapalit ng P400 marked money.  Dito na sumulpot ang ibang mga pulis na nakaantabay sa lugar at nasakote ang limang suspek.

Nakumpiska kay Morales ang 20 piraso ng bala ng kalibre .45 baril at pitong maliliit na plastic sachet ng    shabu na may street value na P50,000.  Tigda-dalawang pakete ng shabu naman ang nakumpiska sa posesyon nina Vizmanos, Valverde, Espera at Montalban.

 Nakaditine ngayon sa Caloocan City Police Detention Center ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang dinala sa PNP Crime Laboratory ang mga nakumpiskang ebidensya.

BULLET SELLING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with