Nabatid na nakatago ang cocaine sa isang secret compartment ng bagahe ng suspect.
File Photo
P9-M cocaine nasabat sa Indonesian national
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natimbog ng mga awto­ridad ang isang Indonesian national na may dalang mahigit sa 1.6 kilo ng ‘cocaine’ na nagkakaha­laga ng nasa P9 milyon matapos itong dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, kahapon.

Kinilala ang nadakip na si Agus Burhan, 62.

Si Burhan ay sakay ng Qatar Airways flight QR 932 na lumapag sa NAIA T3.

Nabatid na nakatago ang cocaine sa isang secret compartment ng bagahe ng suspect.

Samantala, itinanggi ni Burhan na sa kanya ang drogang nakumpiska, gayunman makikipag-tulu­ngan umano ito para maituro at mahuli ang nagbigay sa kanya ng cocaine.

Nakatakda namang sampahan ng kaukulang kaso ang nasabing dayuhan.

INDONESIAN NATIONAL ARRESTED FOR COCAINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with