Ito’y kasunod ng reklamo ng TNVS sector na may 8,000 drivers nila ang apektado ng deactivation ng prangkisa.
TNVS na deactivated, maaaring mag-aplay ulit ng prangkisa -- DOTr
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinag-aaplay na lamang muli ng prangkisa ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation and Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga driver ng Transport Network Vehicle Service (TNVS), na naapektuhan ng deactivation.

Ito’y kasunod ng reklamo ng TNVS sector na may 8,000 drivers nila ang apektado ng deactivation ng prangkisa.

Ayon sa DOTr-LTFRB, mahalaga ang tamang pagre­rehistro ng mga ito, para sa kaligtasan at seguridad ng mga mananakay.

Ipinaliwanag ng DOTr na nabigyan naman ng sapat na panahon ng LTFRB ang mga driver at operator para makatugon sa requirements upang makapag-apply ng Certificate of Public Convenience (CPC) o ng Provisional Authority (PA).

Bilang katunayan, sa rekord ng LTFRB ay mayroong 40,522 TNVS units na napagkalooban ng CPC at mayroong 29,714 units ang nakakuha ng PA.

Hinihikayat naman ng DOTr ang mga aplikante na personal na mag-aplay ng prangkisa, para patunayan ang pag-ako ng mga ito ng responsibilidad sa pagbibigay ng serbisyo publiko.

Nilinaw naman ng DOTr, na pinapayagan naman ng LTFRB ang paghahain ng aplikasyon sa pamamagitan ng isang representative, ngunit limitado lamang ito sa ispesipikong miyembro ng pamilya o next of kin, na siyang haharap sa pagdinig para sa aplikasyon ng CPC.

Ayon pa sa DOTr-LTFRB, wala silang hangarin na pagkaitan ng kabuhayan ang mga aplikante ng TNVS dahil ito’y pagtalima lamang sa proseso. 

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION TRANSPORT NETWORK VEHICLE SERVICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with