Rider sumemplang, nalasog sa trak

Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - June 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Utas ang isang 40-anyos na rider matapos magulungan ng trak nang sumemplang habang lulan ng kanyang motorsiklo  sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng tinamong matinding  pinsala sa katawan si Edilberto Montuya, ng Sampaloc, Manila.

Nasa custody ng pulisya ang driver ng trak na nakilalang  si Ariel Banawa, 35,  ng  Vitas Tondo, Manila.

 Ayon sa pagsisiyasat ng Caloocan City Police Traffic Bureau, naganap ang insidente  alas-11:00 ng gabi sa kahabaan ng C-3 Road patungong A. Bonifacio Avenue, panulukan ng Tagaytay St. Brgy. 126 ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na kapwa binabagtas  ng motorsiklo ng biktima  at trak ng suspect ang lugar nang biglang mawalan ng kontrol ang una sa kanyang motortsiklo hanggang sa sumemplang ng aksidenteng bumangga sa concrete barrier at tumilapon kaya naman nagulungan ng trak. 

ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with