^

Metro

Brigada Eskwela, nabulabog sa rambol

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Brigada Eskwela, nabulabog sa rambol
Sanhi ng saksak sa ulo at leeg, ginagamot ngayon sa Dr. Jose N Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang si John Archie Reyes.

MANILA, Philippines — Isang lalaking estudyante ang sinaksak nang magrambulan ang grupo nito at kalabang grupo  sa isinagawang Brigada Eskwela sa isang public high school sa Caloocan City, kamakalawa.

Sanhi ng saksak sa ulo at leeg, ginagamot ngayon sa Dr. Jose N Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang si John Archie Reyes.

Kaagad namang tinurn-over ng Caloocan City Police sa barangay ang suspect na nakilalang si alyas Jay, 17-anyos.

Lumalabas sa report, naganap ang insidente alas-2:30 ng hapon  sa Tala High School, Brgy. San Isidro, Tala ng naturang lungsod.

Nabatid na nakilahok ang grupo ng biktima sa prog­rama ng DepEd na Brigada Eskwela, gayundin ang grupo ng suspect.

Ngunit nagkaroon ng argumento ang dalawang grupo na nauwi sa rambol na naging sanhi upang saksakin ang biktima.

Matapos ang insidente ay kaagad na nagpulasan ang grupo ng biktima at grupo ng suspect at dito na nasakote si alyas Jay  at ang biktima naman ay mabilis na dinala ng rescue team sa nasabing ospital.

Iniimbestigahan pa ng barangay ang pinagmulan ng rambulan.

vuukle comment

BRIGADA ESKWELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with