Quezon City, Pasay idineklarang poll-related ‘areas of concern’
Robertzon Ramirez (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinailalim sa ‘areas of concern’ bunsod ng election-related violence ang lungsod ng Quezon at Pasay, iniulat kahapon.

Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Maj. Gen. Guillermo Eleazar na ang pagkakapaslang sa Brgy. Bagong Silang Chairwoman Crisell Beltran na kakandidato sana bilang kongresista sa paparating ng May 2019 election ang dahilan upang mapabilang sa “areas of concern” ang Quezon City.

Gayundin ang Pasay City kung saan ilang barangay officials sa lungsod ang napaulat na nasugatan dahil sa mga naganap na karahasan nitong mga nagdaang linggo sa kasagsagan ng campaign period.

Nilinaw naman ni Eleazar na bagamat isinailalim sa “areas of concern” ang dalawang siyudad, wala pa umano silang nakikitang election-related hot spots sa buong Metro Manila.

Sinabi pa ni Eleazar na wala naman silang nakikitang dahilan upang isailalim sa hurisdiksyon ng Commission on Election (Comelec) ang naturang mga lungsod dahil nasa parameters pa ng areas of concern ang mga ito ng mga pulis.

Inaasahan namang nasa higit 15,000 police officers ang ipapakalat sa buong polling precints sa Metro Manila sa araw ng halalan, ayon kay Eleazar.

GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with