^

Metro

11 provincial bus nasampolan sa EDSA

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
11 provincial bus nasampolan sa EDSA
Ayon sa MMDA sa kabila na mahigpit na ipinatutupad nila ang pagba-ban sa mga provincial bus sa EDSA ay may ilan-ilan pa aniyang mga driver ang pasaway nagbaba at nagsakay pa rin sa nabanggit na highway.

Sa unang araw ng ‘no loading at unloading policy’

MANILA, Philippines — Nasa 11 provincial bus ang nasampolan kahapon sa unang araw nang pagpapatupad ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) para sa ‘no loading at unloading policy’ sa kahabaan ng EDSA.

Ayon sa  MMDA sa kabila na mahigpit na ipinatutupad nila ang pagba-ban sa mga provincial bus sa EDSA ay may ilan-ilan pa aniyang mga driver ang pasaway nagbaba at nagsakay pa rin sa nabanggit na highway.

Ayon sa MMDA sa kabuan ay nasa 11 provincial bus drivers  ang nahuli at tinikitan at inaasahan nilang madaragdagan pa ang naturang bilang.

Dahil dito, ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia plano nilang lagyan ng bakod ang buong EDSA para hindi na makapagsakay at magkapagbaba ng pasahero ang mga provincial bus.

Kahapon din ipinatupad ng MMDA ang dry-run para sa paggamit ng interim terminal sa Valenzuela at Santa Rosa, na layon nito ay tanggalin na ang 47 bus terminal sa  EDSA at hindi na ito bibigyan ng business permit ngayong darating na buwan ng Hunyo.

Ayon sa MMDA, volun­tary ang dry run ngunit nilinaw nito na dapat may isang bus ang bawat bus company na sasama sa dry run. 

Nagsagawa rin naman  ng alcohol testing si Ins­pectorate Anthony Cruz ng MMDA sa mga bus at jeepney driver sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kung saan lahat ay  negatibo naman.

Ayon kay Cruz, nanatili pa rin sa heightened alert sa PITX dahil marami pa rin ang mga pasahero na lalabas at papasok ng Metro Manila.

Samantala, pumalag naman ang isang bus association sa naging hakbangin ng MMDA.

Ayon sa Provincial Bus Operations Association of the Philippines,  malaki aniyang pahirap ito sa mga pasahero, bukod sa maaabala ang mga ito sa kanilang biyahe ay madadagdagan pa ang kanilang gastos sa pamasahe dahil  lilipat pa aniya sila nang masasak­yan para makara­ting lamang sa kanilang destinasyon.

vuukle comment

METROPOLITAN MANILA DEVE­LOPMENT AUTHORITY

PROVINCIAL BUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with