Tandang Sora flyover isasara para sa MRT-7
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isasara sa motorista ang flyover at intersection sa Tandang Sora, Quezon City hanggang 2020 para bigyang-daan ang konstruksyon ng Metro Rail Transit (MRT-7), ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) at ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ang closure ng Tandang Sora flyover at intersection ay sisimulan ng alas-11:00 ng gabi ng Pebrero 23.

Hindi na muna maaaring daanan ang westbound at eastbound lane ng Tandang Sora flyover at hindi na rin makakatawid pa sa naturang intersection, ang mga sasakyang mula sa Tandang Sora Ave. patungong Katipunan Ave. at pabalik.

Ang mga maaapektuhang motorista na patungong Katipunan mula Tandang Sora ay pinapayuhan ng DOTr na kumanan sa Commonwealth Avenue at mag- U-turn patungong eastbound sa harapan ng Microtel patungo sa kanilang destinasyon.

Ang mga patungo naman ng Tandang Sora mula Katipunan ay maaaring kumanan sa Luzon Avenue at mag- U-turn patungong westbound sa harapan ng Home Depot.

Inaasahan na rin ang pagkakaroon ng traffic slowdown sa kahabaan ng proyekto, lalo na tuwing peak hours dahil sa naturang konstruksyon kaya’t umaapela ang DOTr at MMDA sa mga moto­rista ng full coope­ration, pang-unawa, at mas mahabang pasensiya sa pamamagitan nang pag-obserba sa traffic rules at regulations.

Mas makabubuti rin naman umanong umiwas na lamang sa lugar at humanap ng alternatibong ruta ang mga motorista upang hindi maipit sa masikip na daloy ng trapiko.

METRO RAIL TRANSIT METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with