11-anyos nasagip sa pagkalunod sa Manila Bay
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - February 7, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naagapan mula sa pagkalunod ang isang 11-anyos na batang babae na kasalukuyang nasa Pedia­tric Intensive Care Unit (ICU) ng Ospital ng Maynila dahil sa paliligo sa Manila Bay sa Roxas Boulevard, kamakalawa ng hapon.

Nang masagip, tumigas na umano ang katawan at nagsusuka na ng maputik   na tubig-dagat ang biktimang si Rhianne Janiel Soriano, grade 6 pupil at residente    ng Malate, Maynila.

Kasama umano ng mga kaibigan ang biktima nang magtungo sa baywalk at maligo sa Manila Bay at hindi nagpaalam sa ina. Bandang alas-5:00 ng hapon nang malaman ng inang si Marivic ang nangyari sa anak.

Kamakalawa (Martes) ay agad namang inaksyunan ng Department of Environment and Natural Resour-ces (DENR) ang pangyayari at inutos ang pagpapabakod at pagbabawal sa pagligo sa kahabaan ng Manila Bay.

Sa kabila ng panawagan ng mga awtoridad na hindi ligtas maligo sa Manila Bay dahil sa taglay na pollution ng tubig kahit sumailalim na sa clean-up ay dinagsa ng magkakasunod na araw ng publiko ang lugar para mag-swimming.

Partikular ang maburak pa rin at mga basura na nasa sea bed na hindi nakikita sa ibabaw ng tubig na kailangang isailalim sa paglilinis.

DROWNED MANILA BAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with