^

Metro

Negosyante itinumba ng tandem

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Negosyante itinumba ng tandem
Agad na nasawi ang biktimang si Rolando Ruado, 46, ng Interior Sanciangco St., Brgy. Catmon ng naturang siyudad.
File Photo

MANILA, Philippines — Patay ang isang negosyante makaraang barilin sa ulo ng riding in tandem sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Agad na nasawi  ang biktimang si Rolando Ruado, 46, ng Interior Sanciangco St., Brgy. Catmon ng naturang siyudad.

Sa pagsisiyasat ng Malabon City Police naganap ang insidente alas-3:30 ng hapon sa  kahabaan ng M. H Del Pilar, Brgy. Maysilo.

Sakay ang biktima sa kanyang minamanehong service tricycle kasama ang anim na menor-de-edad at  habang binabagtas nila ang lugar,  nang harangin ang mga ito ng mga suspect  na sakay ng isang motorsiklong walang plaka.

Bumunot ng baril ang nakaangkas at binaril sa batok ang biktima sa harap ng kanyang mga kasamang menor-de-edad na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Bago mabilis na tumakas ang mga suspect  sa hindi matukoy na direksyon.

Sa pahayag naman ng asawa ng biktima na si Josephine sa mga police investigators, wala siyang alam na kaaway ang kanyang mister maliban sa isang pulis-Navotas na  naka-argumento nito noong December 31, 2018.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

vuukle comment

KILLED BY RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with