^

Metro

DOH umapela sa nakakaranas ng depresyon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
DOH umapela sa nakakaranas ng depresyon
Kasabay naman nito, nananawagan din sila sa publiko na huwag nang ikalat ang naganap na suicide sa FB live ng drummer ng Razorback band na si Brian Velasco.

MANILA, Philippines — Hinimok  ng Department of Health (DOH)  ang mga  dumaranas ng depresyon na dumulog sa kanilang tanggapan upang mabigyang-linaw sa problema at hindi mauwi sa suicide.

Kasabay naman nito, nananawagan din sila sa publiko na huwag nang ikalat ang naganap na suicide sa FB live ng drummer ng Razorback band na si  Brian Velasco. 

Ayon sa DOH, 24 na oras  na bukas ang kanilang linya sa lahat ng dumaranas ng depresyon at maaring tumawag sa numerong 0917-558-4673 o magpadala ng text messages sa 2916.

Iginiit ng DOH na  hindi dapat binabalewala ang depresyon dahil  sa record ng World Health Organization (WHO) nasa 800,000 mga tao ang nagsu-suicide taun- taon dahil dito.

Kung hindi aniya, mabibigyan ng atensiyon ang nagdaranas ng depression ay malamang na mauwi sa suicide.

Ikinaalarma ng  kagawaran ang mabilis na pagkakalat ng publiko ng suicide video ni Velasco  kaya umapela sila sa publiko na bigyang respeto ang pamilya nito na nagdadalamhati.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with