^

Metro

Magpaputok lang sa ‘firecracker zones’-NCRPO

Danilo Garcia, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Magpaputok lang sa âfirecracker zonesâ-NCRPO
Kasalukuyang umaabot na sa 531 ang mga nakatalagang firecracker zones sa lahat ng lungsod sa limang police district sa Kamaynilaan.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nanawagan kahapon si National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, P/Director Guillermo Eleazar sa publiko na magpaputok lamang sa mga itinalagang ‘firecracker zones’ sa kanilang mga lungsod sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Kasalukuyang umaabot na sa 531 ang mga nakatalagang firecracker zones sa lahat ng lungsod sa limang police district sa Kamaynilaan.

Kabilang dito ang 272 sa Quezon City Police District, 95 sa Northern Police District, 75 sa Manila Police District, 57 sa Southern Police District at 32 sa Eastern Police District.

May 25 namang ‘community fireworks display zone’ na itinalaga sa mga piling lungsod.

Ipinaalala ni Eleazar, ang pinirmahang Executive Order No. 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017 na nag-uutos na sa mga “community fireworks display area” lamang ang paggamit ng fireworks at iba pang legal na paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon sa NCRPO, ang mga paputok na maaaring gamitin sa labas ng firecrackez zones ay ang mga Butterfly, Fountain, Jumbo Regular at Special, Luces, Mabuhay, Romand Candle, Trompillo at Whistle Devices.  

FIRECRACKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with