^

Metro

Cook ng bar, umawat sa away: Niluluto naiwan, sunog sumiklab

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Cook ng bar, umawat sa away: Niluluto naiwan, sunog sumiklab
Lumalabas sa report ng Parañaque City Bureau of Fire, alas-3:55 kahapon ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa ‘Terminal Flight 1925 Bar and Grille’, na matatagpuan sa Quirino Avenue, Brgy. Baclaran ng natu­rang siyudad.
Miguel De Guzman/File

MANILA, Philippines — Isang bar ang nilamon ng apoy  matapos umanong maiwan ng cook ang niluluto nito sa kusina  nang umawat sa away ng dalawang kostumer na nagselosan dahil sa isang waitress, kahapon ng madaling araw sa Parañaque City.

Lumalabas sa report ng Parañaque City Bureau of Fire, alas-3:55 kahapon ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa ‘Terminal Flight 1925 Bar and Grille’, na matatagpuan sa Quirino Avenue, Brgy. Baclaran ng natu­rang siyudad.

Nabatid sa report, na nagbugbugan at nagbasag ng bote ang  dalawang la­laking kostumer na hindi na pinabanggit ang pangalan dahil sa isang waitress.

Habang umaawat ang staff ng bar kabilang ang cook ay dito na sumiklab ang apoy hanggang sa kumalat ito.

Nabatid sa ilang tauhan ng bar, na posibleng nagsimula ang sunog nang maiwan ng cook ang niluluto nito sa kusina, gayunman posible  ding electrical wiring ang sanhi ng apoy dahil una itong napansin sa kisame, ayon sa ilang staff.

Alas-4:38 ng umaga tuluyang naapula ang apoy. Iniimbestigahan pa rin  ng mga awtoridad ang insidente.

vuukle comment

PARAñAQUE CITY FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with