Klase, trabaho sa Maynila, suspendido sa Martes

Sa Executive Order No.41 na may lagda ni Estrada, sinabi nito na dalawang araw mananatili si Xi sa bansa hanggang sa Nobyembre 21.
Photo by Mark Schiefelbein/POOL/AFP

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng kautusan si Manila Mayor Joseph Estrada na nagdedeklarang walang pasok ang eskwela  at trabaho sa lungsod sa araw ng Martes (Nobyembre 20) para bigyang-daan ang state visit ni Chinese President Xi Jinping.

Sa Executive Order No.41 na may lagda ni Estrada, sinabi nito na dalawang araw mananatili si Xi sa bansa hanggang sa Nobyembre 21.

Magsasagawa ng courtesy visit kay Pangulong Rodrigo Duterte at pupunta sa monumento ni Dr. Jose Rizal para mag-alay ng bulaklak si Xi.

Upang mabigyan ng sapat na seguridad ay inirekomenda ng Manila Police District (MPD) sa pamahalaang lungsod na magsuspinde ng klase sa lahat ng antas maging sa mga tanggapan ng pribado at pampubliko sa Maynila.

Show comments