^

Metro

200 single moms, nabenepisyuhan ng ‘Tindahan ni Ate Joy’ sa QC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
200 single moms, nabenepisyuhan ng �Tindahan ni Ate Joy� sa QC
Si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte kasama ang mga solo parents sa lungsod na nabenepisyuhan sa kanyang proyektong ‘Tindahan ni Ate Joy’. Ang livelihood program ay naglalayong matulungan ang mga solo parents na magkaroon ng kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng sari-sari store para maipantustos sa kanilang pangangailangan.
Kuha ni Michael Varcas

MANILA, Philippines — Meron  ng sariling pagkakakitaan ang may 200 solo parents sa Quezon City.

Ito ay makaraang tumanggap kahapon ng umaga kay QC Vice Mayor Joy Belmonte ang naturang mga  single moms ng may P10,000 worth ng sari-sari store items tulad ng bigas, de lata at iba pang mga paninda sa isang sim­pleng seremonya sa QC Hall grounds QC. 

Sa kasalukuyan, may 1,000 mga solo parents na mula district 1 hanggang district 6 ang nabiyayaan ng sari-sari store package ni Belmonte sa ilalim ng ‘Tindahan ni Ate Joy’ project na sinimulan  noong 2013. 

Sa kanyang mensahe, hiniling ni Belmonte sa mga solo parents na paunlarin ang kanilang mga tindahan upang makatulong ito sa kanilang pang-araw araw na gastusin.

 Bukod sa naturang programa, ang mga solo parents ay benepisyaryo rin ng iba pang mga programa ni Belmonte tulad ng health programs, training programs para sa dagdag pagkakakitaan tulad ng perfume making, food processing gayundin ng urban farming o ang pagtatanim ng gulay sa mga bakuran at iba pa.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with