Nakakulong sa Makati City Police at nahaharap sa kasong Alarm Scandal si Silverio, 81-anyos, na bukod sa pagiging negosyante at da­ting PBA coach, ay isa rin itong champion car racer driver.
Contributed Photo
Ex-PBA coach arestado sa indiscriminate firing
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2018 - 12:01am

MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng isang dating coach ng Philippine Basketball Association (PBA) at negosyanteng si Dante Silverio matapos na walang habas na magpaputok ng baril na nagdulot ng takot sa mga residente sa Makati City, kamakalawa ng umaga.

Nakakulong sa Makati City Police at nahaharap sa kasong Alarm Scandal si Silverio, 81-anyos, na bukod sa pagiging negosyante at da­ting PBA coach, ay isa rin itong champion car racer driver.

Ayon sa hepe ng Makati City Police na si Sr. Supt. Rogelio Simon, alas-10:23 ng umaga nang isinagawa ni Silverio ang walang habas na pagpaputok ng baril sa loob ng tinitirhan nitong subdivision sa Ecology Village, Brgy. Magallanes ng naturang siyudad.

Ikinagalit at ikinatakot ng ilang residente sa naturang subdivision ang ginawang pagpapaputok ng baril ni Silverio dahilan upang ireklamo ito sa himpilan ng Makati City Police.

Subalit, nakatakas si Silverio sakay ng kanyang kulay puting Toyota Fortuner na may plakang DSS-33 matapos isagawa ang pamamaril.

Sa isang follow-up ope­ration ng mga kagawad ng Makati City Police, nadakip si Silverio sa opisina nito sa #2257 Don Chino Roces Extension ng naturang lungsod.

 

DANTE SILVERIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with