^

Metro

Rider itinumba

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Rider itinumba
Dead-on-arrival sa Cruz Rabe Medical Hospital sanhi ng ilang tama ng bala sa ulo at katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril ang biktimang si Aries Francisco, 32, nakatira sa Block 15, Lot 33, Sumasapit St., Pulong Kendi ng naturang lungsod.
File Photo

MANILA, Philippines — Patay ang isang rider nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Dead-on-arrival sa Cruz Rabe Medical Hospital sanhi ng ilang tama ng bala sa ulo at katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril ang biktimang si Aries Francisco, 32, nakatira sa Block 15, Lot 33, Sumasapit St., Pulong Kendi ng naturang lungsod.

Blanko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng suspect, gayunman ay nagsasagawa na ng follow-up investigation  hinggil sa insidente.

Ayon sa hepe ng Taguig City Police na si Sr. Supt. Alexander Santos, naganap ang insidente dakong alas-8:00 kamakalawa ng gabi, malapit sa bahay ng biktima sa nabanggit na lugar habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo pauwi ng kanilang bahay nang biglang harangin  ng suspect na naglalakad lamang.

Nagulat ang biktima at bigla nitong naipreno ang motorsiklo hanggang sa pinutukan na ito ng suspect ng ilang beses bago mabilis na tumakas.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa pagpaslang sa biktima habang isinasagawa pa ang masusing imbestigasyon.

vuukle comment

SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with