^

Metro

Anwar Ibrahim, hanga kina Jose Rizal at Erap

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Anwar Ibrahim, hanga  kina Jose Rizal at Erap
Sa ginanap na confor­ment of the degree sa Pa­man­ta­sang Lungsod ng May­nila (PLM), sinabi ni Anwar na walang makapapantay sa kasaysayang ibinigay ni Rizal sa mga Filipino.
File

MANILA, Philippines — Inilahad ni Datu Seri Anwar Ibrahim, dating Deputy Prime Minister ng Malaysia ang kanyang lubos na paghanga sa ating pambansang bayani na si Jose Rizal at  kay Manila Mayor Joseph Estrada.

Sa ginanap na confor­ment of the degree sa Pa­man­ta­sang Lungsod ng May­nila (PLM), sinabi ni Anwar na walang makapapantay sa  kasaysayang ibinigay ni Rizal sa mga Filipino. 

Aniya ang bawat likha nito ay tumitimo sa isipan ng mga Filipino at naging makatotohanan. Ipinakita ni Rizal ang kanyang pagnanais na maipamana sa mga kabataan ang nararapat upang ipalaban ang katotohanan.

Tulad ni Rizal, hindi rin nawala ang paghanga ni Anwar kay Estrada sa pagsasabing ibang klase  itong mamuno maging buong bansa at ngayong alkalde ng Maynila.

Kinakitaan niya si Estrada ng ‘humility’ sa bawat Filipino partikular sa mga mahihirap at maliliit na mamamayan.

Hindi matatawaran ang malasakit at pagtulong ni Estrada sa kanyang mamamayan bagama’t may mga taong puro batikos lamang ang kayang gawin.

“To honor the man is not to bury his ashes but to rekindle his ashes,” dagdag pa  ni Anwar.

vuukle comment

ANWAR IBRAHIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with