^

Metro

Rider, bumangga sa truck lasog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Rider, bumangga sa truck lasog
Nakilala ang nasawi na si Roland Amparo, 23, empleyado, na hindi na umabot pang buhay sa Amang Rodriguez Medical Center dahil sa pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang rider makaraang bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang nakaparadang dump truck sa Brgy. Nangka, Marikina City kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang nasawi na si Roland Amparo, 23, empleyado, na hindi na umabot pang buhay sa Amang Rodriguez Medical Center dahil sa pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

Sumuko naman agad sa mga awtoridad ang driver ng dump truck na si Robert Potenciano, 26, at sinabing wala siyang kasalanan sa naganap na aksidente dahil siya ang binangga habang nakaparada.

Sa imbestigasyon ng Marikina City Police, nabatid na dakong ala-1:14 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa JP Rizal Avenue, malapit sa Buenmar St. sa Brgy. Nangka.

Sakay  ang biktima ng isang Honda CBF110 motorcycle na may plakang 2535TZ at bumabagtas sa naturang lugar, nang masalpok nito ang hulihang bahagi ng dump truck, na noon ay nakaparada sa naturang lugar.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng Marikina City Rescue 161 at isinugod ang biktima sa pagamutan, ngunit idineklara na ring patay ng mga doktor.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with