^

Metro

1 sa 2 Chinese na itinumba, dawit sa P380-M drug case ng ex-PDEA chief

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
1 sa 2 Chinese na itinumba, dawit sa P380-M drug case ng ex-PDEA chief
Nabatid na noong Mayo 18, 2017 nang magpalabas ng resolusyon ang Department of Justice (DOJ) na pirmado ni Justice Undersecretary Deo Marco, na nagbabasura sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 laban kay Lt. Col. Marcelino at kay Yan Yi Shou dahil sa ‘insufficiency of evidence’ kaugnay sa pagkadakip sa kanila nang salakayin ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency ang apartment sa Celadon residences sa Sta. Cruz, Maynila noong Enero 21, 2016 at natuklasan ang sinasabing shabu laboratory doon.

MANILA, Philippines — Isa sa dalawang Chinese national na napatay ng riding-in-tandem kama-kalawa sa Taft Avenue, sa Ermita, Maynila ay kasama ni Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino na naabsuwelto sa P380-M drug case dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.

Nabatid na noong Mayo 18, 2017 nang magpalabas ng resolusyon ang Department of Justice (DOJ) na pirmado ni Justice Undersecretary Deo Marco, na nagbabasura sa  reklamong paglabag sa Republic Act 9165 laban kay Lt. Col. Marcelino at kay Yan Yi  Shou dahil sa ‘insufficiency of evidence’ kaugnay sa pagkadakip sa kanila nang salakayin ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency ang apartment sa Celadon residences sa Sta. Cruz, Maynila noong Enero 21, 2016 at natuklasan ang sinasabing shabu laboratory doon.

Nang panahong iyon ay nagsisilbi pang hepe ng PDEA-Special Enforcement Service si Lt. Col. Marcelino, na idinepensa niya ang sarili at si Yan, na isa umano niyang informant at nagsa­sagawa lamang sila ng covert operation doon.

vuukle comment

RIDING-IN-TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with