Sekyu namaril: Trader patay, 4 sugatan

Sa ulat mula sa tanggapan ni Supt. Carlito Mantala, hepe ng Manila Police District-Station 11, idineklarang patay dakong alas-3:39 ng hapon sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ang biktimang si Albert Lee So, 40 at residente ng Lavezares St., Binondo, Maynila.

Nagkainitan sa parking

MANILA, Philippines — Patay ang isang negosyante habang sugatan ang apat na iba pa kabilang ang dalawang bata, nang magkainitan at mauwi sa pamamaril ng security guard sa entrance gate ng iPacific Residence sa Lavezares St., Binondo, Maynila, kahapon ng hapon.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Supt. Carlito Mantala, hepe ng Manila Police District-Station 11, idineklarang patay dakong alas-3:39 ng hapon sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ang biktimang si Albert  Lee So, 40 at residente ng Lavezares St., Binondo, Maynila.

Inoobserbahan din ang iba pang sugatan sa pamamaril na kinilalang sina Vivian Ilagan, 40, security guard; magkapatid na sina Pinky Loraine Velasco Flores, 7 at Rosalina Velasco, 10 na kapwa residente ng Interior  5,  Bagong Alay St., Binondo, Maynila at Jesse Falcuitin, 34.

Arestado naman ang suspek na sekyu na si Jobel Baet ng Fast Link International Security Agency Inc.  na nakatalaga sa iPacific Residence na matatagpuan sa  Lavesarez  St., panulukan ng Ilang-ilang St., Binondo.

Naganap ang insidente dakong alas -2:20 ng hapon kahapon sa harapan ng entrance gate ng iPacific Residence.

Nagkainitan umano ang nasawing negosyante at ang sekyung si Baet dahil sa parking space ng nasabing condominium na nauwi sa pamamaril ng huli.

Narekober mula sa suspek ang isang  9mm Rock Island Armory cal pistol.

Itinurn-over na kahapon sa MPD-Homicide Section ang suspek habang nag-iimbestiga pa sa pangyayari si PO3 Michael Maraggun para sa isa-sampang patung-patong na kasong kriminal. 

Show comments