^

Metro

Bebot nakaladkad, pisak sa tren

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakaladkad at napisak  ng tren ang isang babae habang naglalakad sa riles ng Philippine National Railways (PNR), kahapon ng umaga sa Perlita St., San Andres, Maynila.

Inilarawan ang biktima na nakasuot ng kulay gray na t-shirt at dilaw na short pants at nasa edad 16-25.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Rey Rabut ng Manila Police District (MPD), dakong alas-6 ng umaga ng maganap ang insidente sa nabanggit na lugar kung saan nakaladkad ng tren ang biktima ng 15 hanggang 20 metro.

Inaalam na rin ng pulisya  sa barangay na nakakasa-kop sa pinangyarihan ng aksidente para makapangalap ng karagdagang impormasyon sa pagkakakilanlan ng biktima.

Aalamin rin kung nakunan ng CCTV  bago puma­sok at maglakad sa riles ang babae.

Nabatid na ilang ulit uma­nong tinawagan ng pansin ang babae pero tila wala ito sa katinuan at nagtuluy-tuloy pa rin sa paglalakad.

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with