^

Metro

2 preso patay sa init sa loob ng kulungan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang preso sa loob ng kanilang kulungan sa Novaliches Police Station 4, ng Quezon City Police District (QCPD), kahapon ng umaga.

Kinilala ang dalawa na sina Alex Canono Andaman, 41, hair stylist at Genesis Caberoy Agoncillo, 22, helper.

Si Andaman na may kasong paglabag sa PD1602 (Anti-Illegal Gambling) ay namatay alas-8:50 ng umaga matapos siyang maisugod sa Novaliches District Hospital.

Sinasabing nahirapang huminga si Andaman hanggang mawalan ng malay tao dahil sa sobrang alinsangan sa loob ng kulungan.

Habang si Agoncillo ay nakita na lamang na naninikip ang kanyang dibdib sa loob ng kanyang selda dakong alas-5:00 ng madaling araw.

Agad na isinugod sa Novaliches District Hospital ang biktima pero idineklara itong dead-on-arrival ng attending physician na si Dr. Jethiel Fabon.

Nabatid na si Agoncillo ay nakulong  noong June 15, 2018 dahil sa kasong ‘alarm and scandal.

vuukle comment

PRESO S

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with