^

Metro

Joy B sa PNP: Court officials protektahan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bunsod sa malagim na pagpaslang kay Quezon City Deputy Prosecutor Rogelio Velasco, nanawagan ang Sangguniang Panglunsod sa pamumuno ni  Vice Mayor Joy Belmonte sa Philippine National Police (PNP) na pangalagaan ang seguridad ng mga opisyal ng korte laban sa iba’t ibang uri ng krimen.

Ayon kay Belmonte, kailangang sugpuin ng PNP ang pagtaas ng bilang ng pag-atake sa mga piskal, hukom, at abogado hindi lamang sa QC  kundi pati na rin sa buong bansa.

 “They should have some kind of a security plan, at least, to protect these men and women of the court who always put their lives on the line,” pahayag ni Belmonte.

 Sinabi ni Belmonte na  walang kapangyarihan ang local na pamahalaan dito dahil ang seguridad ng mga court officials ay nasa hurisdiksyon ng PNP.

Sa pag-uudyok ni Belmonte, nagsampa ng resolusyon si 3rd District Councilor Gian Carlo Sotto na nanawagan sa PNP na bumuo ng isang task force o plano para tiyakin ang kaligtasan ng mga kawani ng korte.

Nananawagan din ito kay PNP chief Oscar Alba-yalde na tugisin ang mga nasa likod ng mga pagpatay na ito.

Si Velasco ang ika-13 piskal na pinatay sa bansa mula noong 1992, ayon sa Department of Justice (DOJ at ikalawang piskal na napaslang sa QC mula noong Enero 2017. Unang pinagbabaril hanggang sa mapatay sa harap ng isang restaurant sa Barangay Old Balara si QC Prosecutor Johanne Noel Mingoa.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with