^

Metro

Sekyu durog sa trak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang security guard habang  sakay ng mountain bike nang mabunggo at masagasaan pa ng dump truck habang binabaybay ang President Quirino Avenue kanto ng Jesus st., sa Pandacan, Maynila kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Rolando Ginete, nasa hustong gulang, empleyado ng RN Security and Investigation Agency at residente ng 119 Proviner St., Harrison, Malate, Maynila.

Arestado naman ang driver ng dump truck na ‘for registration’ ang plaka na si Ramil Castro Magalona, 25, ng Pulong Sampaloc, Doña Remedios Trinidad, Bulacan habang nasa kostudya rin ng Manila Traffic Bureau ang kasama nito na si Jaypee Colim, 30, driver ng 262 Brgy. Malamig St., Bustos, Bulacan, matapos iturn-over ng Lacson Police Community Precinct.

Kapwa nagmamaneho pa-northbound ang biktima at ang suspek dakong alas-6:00 ng umaga kahapon nang habang nasa kanang bahagi ng inner most lane ang biktima ay nasagi ito ng dump truck. Nang bumagsak sa kalye ang biktima ay nasagasaan pa sanhi ng matinding sugat sa ulo.

Nagtangkang tumakas ang driver na si Ginete subalit hina­bol siya mga nakasaksing motorista at nang makorner ay ipinaaresto kina PO1 Romeo Gunce at PO1 Paul John Rupinta ng Lacson PCP nang makarating ang habulan sa G. Tuazon st., sa Sampaloc, Maynila.

Sinubukan pang isalba ang biktimang nang respon­dehan ng MMDA Road Emergency team na pinangunahan ni Carmelita Momblanco subalit DOA na siya, ayon kay Dra. Grace Dioso ng Ospital ng Sampaloc. (With trainee Vanessa Lenn Galuza)

vuukle comment

PANDACAN ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with