^

Metro

Grab driver kalaboso, inireklamo ng pasahero

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang Grab driver nang murahin  at mahagip nito ang kanang binti ng kanyang pasahero, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Naghihimas ng rehas na bakal ngayon ang suspect na si Joseph Dingdavibar, 41, ng Libertad St., ng naturang lungsod.

Kinilala naman ang biktimang si Remadel Zacarias, ng Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.

Sa report na natanggap ng Pasay City Police Traffic Bureau, alas-8:00 ng umaga nang magpa-book ang biktima sa suspect  para magpahatid sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Roxas Boulevard, Service Road.

Habang patungo na sa destinasyon ay nakaramdam umano ng pagkahilo ang pasaherong si Zacarias at nakiusap sa driver na ibalik na lamang siya sa kanyang condominium sa Taguig City, ngunit tumanggi umano ang driver at inihatid pa rin ito sa kanyang  destinasyon.

Habang nasa biyahe nagkaroon ng pagtatalo ang driver at pasahero dahil sa pagpupumilit ng biktima na ibalik siya sa kanyang condo.

Ngunit sinabi sa kanya ng Grab driver na si Dingdavibar,  na mahigpit  na ipinagbabawal sa kanila ang gusto ng biktima.

Pagdating sa bahagi ng EDSA sa harap ng isang bus station, nakahanap ng tiyempo ang pasahero at binuksan ang bintana ng kotse at humingi ng tulong sa mga traffic constable ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Gayunman nang lapitan para kausapin ang driver ay bumaba na ang pasahero kasama ang kanyang anak na 3-anyos.

Dito ay biglang pinaharurot ng driver ang kanyang sasakyan dahilan upang mahagip  ang kanang binti ng biktima na sanhi nang  pamamaga nito.

Hinabol naman ng mga traffic enforcers ng MMDA ang suspect hanggang sa naaresto ito.

vuukle comment

GRAB DRIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with