^

Metro

2 bilanggo patay sa bugbog ng kapwa detainees

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang detainees  matapos gulpihin ang mga ito ng kapwa nila bilanggo mismo sa Pasay City Police Station Drug Enforcement Custodial Facility (SDEU-CF), kamakalawa.

Dead-on-arrival sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang mga biktima  na sina Eduardo Angeles, 48 at Arman Aya Castillo, 32,  kapwa taga- Pasay City at parehong may kasong pagtutulak ng  droga.

Base sa autopsy report nagtamo ang mga biktima ng mga pasa sa ibat-ibang bahagi ng katawan matapos umanong gulpihin.

Samantala, ang mga itinuturong bumugbog ay ang kapwa bilanggo na sina Elinoe Washington, 32   at si Benjamin Cruz, 40, kapwa miyembro ng ‘Sigue Sigue Sputnik Gang’.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente pasado alas-5:00 ng umaga sa loob  ng Pasay City Police, SDEU Custodial Facility.

Base sa pahayag ng anim testigo, kamakalawa ng gabi, naririnig nilang nagtatalo sina Washington; Cruz at ang dalawang nasawi hanggang sa nakita na lamang nilang pinagtulungan umanong bugbugin ang dalawa sa loob ng nasabing selda. Nawalan nang malay ang dalawang preso at agad din ipinagbigay alam sa mga  pulis ang insidente na kung saan isinugod sa nasa­bing pagamutan,  subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Ayon naman kay Washington, nagulat na lamang siya kung bakit nagalit sa kanya ang mga biktima, na dapat siya ang magalit sa mga ito dahil sa natutulog siya nang oras na iyon at inaapak-apakan aniya siya ng mga ito.

Habang si Cruz naman ay pinabulaanan nito na wala siyang kinalaman sa nangya­ring pambubugbog sa mga biktima.

vuukle comment

PASAY CITY POLICE STATION DRUG ENFORCEMENT CUSTODIAL FACILITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with