^

Metro

15-30 cops hindi lang sa NCR, kalat din sa ibang rehiyon-Albayalde

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inamin ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde na hindi lang sa mga pulis na nakatalaga sa Metro Manila nangyayari ang mga ‘15-30 cops’ ngunit maging sa ibang ‘regional offices’ sa bansa.

“Hindi lang sa NCRPO nangyayari iyan, maraming ganyan na asal ng pulis na talagang pawala-wala o yung iba nagmo-moonlighting lang,” ayon kay Albayalde sa isang panayam sa isang programa sa radyo.

Sinabi ito ni Albayalde makaraang ihayag na tuluyan nang sinibak sa pagiging pulis ang isa sa dalawang tauhan ng Manila Police District (MPD) na nadiskubre nila kamakailan na hindi na nagre-report sa tungkulin dahil sa palagiang biyahe sa ibang bansa habang ang isa naman ay nag-report na sa tungkulin ngunit sumasailalim na sa ‘pre-charge evaluation’ at maaaring matanggal sa serbisyo kapag napatunayan ang antas ng pagkakasala.

Sinabi pa ng heneral na nasa tatlo hanggang apat na beses mag-abroad ang nasibak na pulis at palaging pinupuntahan ang mga bansang Malaysia, Singapore at Japan.

“Lumalabas merong travel agency so parang tinake-advantage ang libreng biyahe. Alam natin na kapag travel agency may quota tapos may libreng biyahe o kaya naman sinasamahan ang mga kliyente,” ani Albayalde.

Matatandaan na nasa 41 tauhan ng MPD ang nadiskubre ni Albayalde na hindi nagre-report sa tungkulin ngunit regular na tumatanggap ng suweldo sa isang sorpresang inspeksyon kamakailan.

Bukod sa pag-aasikaso sa sariling mga negosyo, ilan rin sa napansin ni Albayalde sa mga pulis na natagpuan niyang 15-30 ay ang pagbibigay ng seguridad sa mga mayayamang Tsino na nasa bansa o sa iba pang mga VIPs.

Samantala, nagsagawa naman ng sorpresang ‘drug test’ ang NCRPO sa lahat ng tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Biyernes at inaasahang lalabas ang resulta ngayong darating na linggo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with