^

Metro

Gondola bumagsak: 4 sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat ang iniulat na nasugatan kabilang ang tatlong commuters matapos bumagsak ang isang gondola buhat sa ika-68 palapag ng kinukumpuning gusali sa Makati kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasugatang commuter na sina Florito Torevillas, 47; Rochelle Balayas, 31; Aljun Gorgonio, 25 at ang gondola operator na si Antonio Arcilla, 47, na pawang isinugod sa Makati Medical Center  makaraang mabagsakan ng bahagi ng gondola engine buhat sa Shang Salcedo Place Properties.

Sa inisyal na ulat ng Makati City Police, dakong alas-9:20 ng umaga nang maganap ang insidente sa tapat ng Shang Salcedo Place building sa kanto ng Gil Puyat Avenue at Tordesillas Street, ng naturang lungsod.

Nabatid na sakay ng naturang gondola si Arcilla sa ika-68 palapag ng gusali nang biglang mamatay ang dalawang makina nito at tuluyang bumulusok sa ibaba. Tumalsik naman ang may isang dipang bakal sa pampasaherong jeep na nakahinto sa tapat ng gusali at lumusot sa bubungan dahilan para magtamo ng pinsala ang tatlo nitong pasahero.

Dalawang sports utility vehicle (SUV)  at isang taxi rin ang bahagyang napinsala sa insidente.

Ayon sa taxi driver na si Cesar Ranes, nakahinto siya dahil naka pula ang traffic light nang mabagsakan ng bakal ang likod ng kanyang sasakyan. Umaasa siya ngayon na sa-sagutin ng may-ari ng gusali o ng contractor ang pagpapaayos sa sira ng kanyang taxi unit.

Ginagamit ang gondola kapag may kukumpunihin, magpipintura o maglilinis ng mga bintana ng matataas na gusali. 

Ilang oras matapos ang insidente, agad na nag-isyu ang Makati Dept. of Engineering and Public Works ng “stoppage order” laban sa Vonotec Inc. na ipinatitigil ang lahat ng “illegal mechanical installation/ operation” kung saan nangyari ang insidente.

Pinagpapaliwanag rin ang Vonotec sa loob ng tatlong araw matapos matanggap ang kautusan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with