^

Metro

10,000 TNVs drivers, riders imomobilisa ng PNP-HPG

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang mabawasan ang mga kriminalidad, aabot sa 10,000 road safety marshalls mula sa grupo ng mga TNVs (Transport Network Vehicles) at iba pang motorcycle riders association ang itinalaga ng PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) para makatuwang nila sa pagpapanatili ng segu­ridad partikular na sa mga lansangan.

Ito’y sa gitna na rin ng mga nangyayaring carnapping, alitan sa trapiko na nauuwi sa patayan o sakitan, banggaan at maging ang iba pang mga insidente ng pang-aabuso sa mga kalsada.

Samantala sa nasabing okasyon ay nanumpa rin kay PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa  ang nasa 1,500 road safety marshalls mula sa TNVs (Transport Network Vehicles) ng Grab at iba pang mga organisasyon ng motorcycle riders.

Ang mga ito ay itinalagang mga bagong Ambassadors ng  Road Safety and Security upang tumulong sa pagmamatine ng kaayusan at maging mata ng PNP sa mga highway.

Nabatid na nasa 10,000  road safety marshalls mula sa Grab at iba pang riders association ang tutulong sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon sa mga nangyayaring krimen at sakuna sa lansangan upang mabilis na makapagresponde ang mga awtoridad.

Maaari rin ang mga itong magsagawa ng citizens arrest pero hangga’t maaari ay dapat ipagbigay alam sa pulisya ang mga ire-report nilang insidente upang hindi manganib ang kanilang buhay.

 Sinabi naman ni PNP-HPG Director P/Chief Supt. Arnel Escobal na ang nasabing mga volunteers ay sumailalim sa mahigpit na pagsasanay at law enforcement course. Ang mga road safety marshalls ay bibigyan ng mga decals at pins.

 Samantalang tiwala naman ang mga opisyal na sa pamamagitan ng  nasabing hakbangin ay mababawasan ang mga abusado at maging ang mga masasamang loob na nambi-biktima sa mga lansangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with